Sa buhay natin, hindi lahat ng gusto nating maachieve ay narereach natin. Habang tumatanda tayo, marami tayong mga panghihinayang sa buhay.

There is a blog saying:

There are so many things I would do differently if I could go back in time. Yet that is impossible.

Sabi nga if we have regrets, hindi yun yung mga bagay na nagawa natin kundi yung mga bagay na hindi natin nagawa. At ilan dun yung tinatawag nating MISSED OPPORTUNITIES. Sabihin mo nga missed opportunities! At yan ang pag-uusapan natin.

Sabi po sa Ephesians 5:15-17
“Be careful, then, how you live-not us unwise but as wise. Making the most of every opportunity because the days are evil. Therefore do not be foolish, but understand the will of the Lord.

Sabi ng Bible, make the most of every opportunity, the question is nagagawa po ba natin?

Ang Lord, everyday nag-ooffer sya ng many chances. Everyday, nagbubukas siya ng pinto ng oportunidad.
– May kakayahan magtrabaho
– Kumita ng pera
– Umattend sa church at magserve sa kanya
– Makasama ang pamilya
– Gumawa ng mabuti sa kapwa
– Piliin ang tama kesa mali
– A lot of opportunities ang nasa harapan natin pero minsan, kadalasan, hindi natin siya narerecognize, we let those opportunities to pass us by.
– We missed a lot of opportunities.

Kaya marami sa atin nagsisisi at nanghihinayang
– Sana pala tinapos ko na kahapon, edi sana hindi ako gahol ngayon
– Sana sinabi ko na pala sa kanya, napunta tuloy siya sa iba. Sabi ni Richard 
– What if ginrab ko yung trabaho na yun, aasenso kaya ako
– Sa mga estudyante, bakit ba letter A yung sinagot ko, sabi na eh, dapat letter C talaga.

Marami pang mga bagay. Pero yun po ang katotohanan. Na marami po sa atin ang may wasted opportunities.

Nag-survey po ako, nagtanong sa ilang mga tao na ano tingin nila why people missed opportunities. Sinammarize ko yung mga sagot nila:

WHY PEOPLE MISSED OPPORTUNITIES?

a. THEY CAN NOT SEE POSSIBILITIES
Daig pa nito bulag. Ang bulag, kahit walang nakikita, ang ilang mga bagay para sa kanila ay may posibilidad. Pero ang taong may paningin minsan walang makita.

ILLUS: I’ll never forget the story about the Shoe salesman that went to Africa. He was there two weeks & he wrote his company back a letter saying, “Please bring me Home, nobody wears shoes over here.” They sent another salesman in his place & in a couple of weeks, he sent a letter back to the company saying, “Please send all the shoes you can, because nobody wear shoes here……”

Nakita niyo yung magkaibang pananaw ng dalawang salesman? Sa isa walang opportunity na makabenta kasi wala naman nagsasapatos dun. Pero dun sa isa, he saw the possibilities in the situation kasi halos lahat nakapaa at kailangan ng sapatos.
– Lot of us missed opportunities in our lives because of negativity.
– When opportunity knocks, di natin makita kasi clouds of negativity yung nasa isip natin.

BIBLE EXAMPLE : Judas Iscariot, may chance para magrepent pero hindi niya ginawa.

b. FEAR OF TAKING RISK
Ito naman yung mga taong ayaw umalis sa comfort zone nila. Takot na magtake ng risk. Iniisip nila, hindi ko kayang gawin yang bagay na yan. Sinasabi nila, hindi magwowork out kahit igrab ko pa yung opportunity na yun. May mga bagay na tayong nakasanayan at ayaw natin na umalis dun dahil natatakot tayong maging failure yung pipiliin natin.

ILLUS: si opportunity kumakatok sa pinto pero tayo dahil takot, sisilip muna sa bintana.
Paano kung si Lord na pala yung kumakatok, tapos may dala siyang basket of blessings sa atin. nung sumilip tayo sa bintana, wala naman dala. Yun pala nasa kabilang side. Eh hindi natin binuksan yung pinto. Edi namissed natin na patuluyin ang Panginoong Hesus.

BIBLE EXAMPLE: Mrs. Lot. May opportunity siyang makalaya. May binigay na mas magandang plano si Lord. Pero natakot siya. Ayaw niyang iwan yung Sodom at Gomora na nagbigay sa kanya ng ligaya. Kaya nung lumingon siya pabalik, naging taong asin siya.

c. THEY DON’T WANT TO ACCEPT OPPORTUNITIES
Ito naman yung mga tao na hindi lang nasa comfort zone at wala nang nakikitang possibilities. Ito yung mga tao na masyadong busy sa buhay. Ayaw na nilang gumawa ng ibang bagay. Kahit anong marinig nila na maganda, wala silang pakialam

BEST BIBLE EXAMPLE : Yung mga tao sa panahon ni Noah. They don’t listen. Umulan, bumaha, namissed nila yung opportunity na mabuhay. Kung nakinig lang sila.

Ayaw natin na ganon yung mangyari sa atin. Amen? hanggat maari, ayaw natin mamissed yung every opportunity na darating sa atin.

Sabi nga ng isang quote na nabasa ko:

Opportunities are never lost, they’re just found by someone else.

Bakit? Kasi hindi lang ikaw ang nangangailangan ng oportunidad, marami tayo. Kaya kapag hindi natin nagrab, mapupunta yan sa iba.

HOW CAN WE MAKE THE MOST OF EVERY OPPORTUNITY?

There’s a lot of ways to make the most of every chance we get. And as a Christian, dapat magawa natin toh. Sabi this days are evil. End times na, sa huli ka pa ba magsisisi? Sabi nga, its NOW OR NEVER! When opportunity knocks, grab it. Do it! Wala nang patumpik tumpik.

a. BE CAREFUL AND BE WISE
Be careful, then, how you live-not us unwise but as wise. Making the most of every opportunity because the days are evil. Therefore do not be foolish, but understand the will of the Lord. Hindi lahat ng pagkakataon na dumadating sa ating buhay ay opportunity.

ILLUS : andyan na ang palay, tutukain na lang. tukso yun kapatid. Hindi opportunity.
Tandaan natin, ang opportunity is a favorable time that will make an impact in your life in a positive way. and that is a gift from God. Malalaman natin na oportunidad yan, kapag naka-align yan sa will ng Lord at kapag nigrab mo yan, hindi nya sisirain ang buhay mo.

b. DO NOT HOLD BACK
Sabi nga kanina, we missed opportunities because of fear.
Face you fear. Naghoholdback tayo kasi takot eh. Pero walang mangyayari kapag natakot po tayo. Para bang atras abante. Kukunin ko, ayy hindi pala. Paggrab mo, wala na. Maraming pagkakataon ang binibigay ng Lord sa atin.

b.1. TO TALK – kausapin na. May pagkakataon kang magsalita, sabihin mo na. Wag hayaan na lumipas ang oras na hindi ka nagsasalita or nagsasabi. Huwag nang ipagpabukas pa.

b.2. TO SHARE – gusto mo mag-share sa isang tao. Don’t miss the opportunity to share Jesus’s love to your friends, classmates, relatives and co-workers.

b.3 TO DO/ TO ACT – kung may pagkakataon kang kumilos, umaksyon o gumawa, DO IT NOW! Kapag may sunog, hindi bukas ka pa magsasaboy ng tubig. Agaran dapat.

OUR GOD WILL PROVIDE THE OPOPRTUNITIES, OUR RESPONSIBILITY IS TO RESPOND

Advertisements