Usapang Pag-ibig. Usapang nakakakilig. Usapang Single. Usapang In a relationship. Usapang Babae. Usapang Lalake.

Maraming kwento at usapan ang mundong ito, bilang kabataang babae at lalake paano ka nakikiayon dito? Marami ka ng kwentong pinusuan pero ngayon ito naman!

picture1

The purpose of this event is to lead the youth to a godly lifestyle as they go through manhood and womanhood. To let them be a model to other youth by encouraging them to be the man/woman God designed them to be. We invited anointed couple to share their thoughts on certain topics na issues sa mga kabataan ngayong panahon ng pag-ibig.

Ang theme na “He Said. She Said. God said” ang sasagot sa mga topics na ito. Very interesting ang usapan at marami ang natuto.

Ano ang perspective ni Babae (Ate Rachel).
Ano ang perspective ni Lalake (Kuya Ariel).
At ang pinakamahalaga, ano ba talaga ang sinasabi ni Lord (biblical advice).
Are you ready guys? Here we go…

1.BEAUTY OF WOMEN

She said: A beautiful woman is a noble woman. Hindi physical ang dapat tinitignan but also the character. Take note girls, we are destined to be pursued.

He said: The beauty of a woman is not on her physical aspect. But what’s inside her. God created woman to be a suitable helper. Hindi katulong ang mga babae but a helper and encourager.

God said: Be a Peoverbs 31 woman. A woman with virtue, faithfulness and goodness. Woman who is hardworking, a provider, an early riser, well rounded, charitable and business savvy. A woman of strength, endurance, honor and respect. Praise worthy, excellent and God-fearing.

2.MASCULINITY OF MEN

She said: Hindi ito yung makita mo lang macho, masculine na.

He said: Ang tunay na lalake ay yung lalakeng-lalake. Paano?
– Man is created to protect. Protect women in terms of purity. Respect women.
– Man is created to be a leader. If you can not lead, you’re not a man.
– Man is created to pursue. Guys, ladies need to be pursue. Man-up! Tayong mga lalake ang manliligaw. Sariling sikap natin. Hindi yung sa magulang tayo nanghihingi ng pang-date. Dapat super effort.

God said:  A man after God’s own heart! (1 Samuel  13:14)

3.DATING

She said: Walang sinabi sa Bible about dating. Walang sinabi na “thou shall not date” or “thou shall date at the age of 30 years old”. Walang ganun. But God gave us principle about who shall we date. 2 Corinthians 6:14 says, “do not be equally yoke with the unbelievers.” You date someone na kaparehas mo ng faith.

He said: Ang date or dating ay ginagawa ng mga taong inlove. Hindi yung puppy love or infatuation lang. When you date someone, always ask the question ‘WHY’. Guys, date with a purpose. Date with the purpose of getting married. Number in common, dapat may Jesus kayong pareho.

God said: Ecclesiastes 3:1 says, “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens:” It means, kailangan maghintay. WAIT! May tamang panahon kung kelan ka dapat makipag-date. Hindi yung nag-aaral ka pa. Hindi yung bata ka pa. Hindi yung wala ka pang napapatunayan. Maghintay sa tamang panahon. There is a time to date someone with a purpose.

May timing si Lord sa lahat ng bagay.

4.MARRIAGE

She said: In terms sa marriage, wag puro standard. Tayo kasing mga girls, ang dami nating standards. Dapat ganito. Dapat ganire. Yes dapat may standards, ang tanong, prepare ka ba? Dapat prepare tayo. Kasi kapag kinasal tayo, forever na yan at hindi pwedeng kung gusto niyong maghiwalay ay maghiwalay na.

He said: Marami ang excited na ikasal. Ang katotohanan, maraming excited sa wedding pero hindi sa marriage. Marriage is not a bed of roses. it has a lot of challenges. Sa mga lalake, kapag kinasal na kayo, tibayan mo dahil napaka-moody ng mga babae.

In marriage, hindi lang finance ka dapat ready. You should be ready in all aspects – financially, emotionally, intellectually, physically and intellectually.

God said: Colossians 3:18-19 “18 Wives, submit yourselves to your husbands, as is fitting in the Lord. 19 Husbands, love your wives and do not be harsh with them.”

5.PAANO MALALAMAN KUNG SHE’S THE ONE NA?

He said: She’s the one hindi dahil nagandahan ka or kinilig ka or napa-wow ka. Malalaman mo if she’s the one if may confirmation galing kay Lord. Iiimpress ng Lord sayo and at peace lahat. Ipag-pray mo din syempre. Kapag nagpray ka, at peace palagi ang desisyon.

kung gusto mo ng forever, tindihan mo ang prayer!

6.ANONG PIPILIIN MO, MAHAL MO O MAHAL KA?

She said: Ang pipiliin ko ay MAHAL AKO! Kasi kapag mahal ako, ipupursue niya ako, mag-eeffort siya para sakin at higit sa lahat irerespeto ako ng taong mahal ako. Kapag kasi pinili ko yung taong mahal ko, masasaktan lang ako kasi hindi naman niya ako mahal. Kaya pipiliin ko yung mahal ako dahil andun yung respect niya and love for me.

He said: Pipiliin ko yung taong MAHAL KO. Syempre pano ko pupursue yung taong hindi ko naman mahal. Nagsasayang lang ako ng panahon. Pipiliin ko yung taong mamahalin ko at bibigyan ko ng oras.

We end the event by sharing their life testimonies – how they met, what has happened to them, how they faced the situation they’ve committed, how they received God’s grace and comfort and how God used them until now in bringing advices and light to the young people and young couple.

For updates with other events on Thursdate, you can visit
https://www.facebook.com/GHCCIValenzuela/


14915424_10210778115511822_5496598832401800575_n.jpg
Mrs. Rachel and Mr. Ariel Perez with their baby, Atarah Rapha
I would like to acknowledge the royal couple in sharing these and your testimonies. They were dedicated and anointed leaders of Lifegiver Manila. Nakakabilib ang pagkilos sa inyo ng Lord. Super! May you continue to run the race together with your whole family. God bless!
Advertisements